Friday, June 16, 2006

Wolfgang - "Tulisan"

magara ang iyong damit
kumikinang na ngiti
nakakasilaw na kuwintas
bulok naman ang iyong budhi!!

ang araw mo'y..
darating!!

ako naman ang gaganti!
ako naman ang mananakit!
ako naman ang aangkin!
ako naman ang tulisan!!

amang pumatol sa anak
kapatid sa kapatid
dugo laban sa dugo
laman laban sa patalim!!

may araw rin sa 'king...
darating!!

ako naman ang gaganti!
ako naman ang mananakit!
ako naman ang aangkin!
ako naman ang tulisan!!

sobrang pagpapanggap
sobrang panlilinlang
tawaran sa palengke
buhay ay mura lang
tao'y nabibili
sariwang babae
isang kilong karne!!

ako naman ang gaganti!
ako naman ang mananakit!
ako naman ang aangkin!
AKO NAMAN ANG TULISAN!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home